Pangulong Duterte, inako ang responsibilidad sa laban-bawing desisyon sa paggamit ng face shield
Inako ni Pangnulong Rodrigo Duterte ang responsabilidad kung naging laban-bawi ang pamahalaan sa pagpapatupad ng face shield bilang dagdag proteksyon laban sa COVID-19.
Natakot kasi ang Pangulo nang dumating sa bansa ang Delta variant.
Ayon sa Pangulo, nagkamali siya sa desisyon.
Una nang sinabi ng Pangulo na hindi na oobligahin ang publiko na gumamit ng face shield noong buwan ng Hunyo.
Pero kalaunan, binawi niya ito dahil sa pagpasok sa bansa ng Delta variant.
Kasabay nito, pinabulaanan ng Pangulo na overpriced ang mga biniling face shield.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.