“Nais ko pong humingi ng paumanhin sa lahat ng mga nakasalamuha ko sa loob ng 14 days,” pahayag ng alkalde.
Hinikayat nito ang kaniyang mga nakasalamuha na sumailalim din sa quarantine at magpasuri.
“Ako po, ang aking pamilya mga kasamahan sa bahay at opisina ay nakaka-quarantine na rin po simula nang matanggap ko ang aking test result,” saad ni Dy.
Aniya, maayos ang kanyang kalagayan at walang nararamdamang sintomas ng nakakahawang sakit.
“Sana magpatuloy na ganito at with God’s grace po ay gumaling po ako ng lubusan at walang ibang magkasakit sa lahat ng aking kasama,” dagdag nito.
Tiniyak naman ng alkalde na tuloy pa rin ang serbisyo ng pamahalaan ng Echague.
Wala aniyang maaantalang programa sa naturang bayan.
Pinayuhan din nito ang publiko na laging sumunod sa health protocols at manatili na lamang sa bahay kung hindi kinakailangang lumabas.