Halaga ng pinsala sa agrikultura dulot ng Bagyong #JolinaPH, umabot sa P179.57-M

By Angellic Jordan September 08, 2021 - 06:43 PM

Umabot sa P179.57 milyon ang halaga ng natamong pinsala sa agrikultura dahil sa pananalasa ng Bagyong Jolina.

Batay sa datos ng Department of Agriculture (DA), nasa 8,855 metric tons ang production loss sa bigas at 52,608 ektarya ng agricultural areas ang naapektuhan sa Eastern Visayas.

Sinabi ng kagawaran na 61,828 magsasaka ang apektado ng naturang bagyo.

Siniguro ng DA na aasistihan ang mga apektadong magsasaka sa pamamagitan ng Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar.

Magbibigay din ng bigas, mais at iba’t ibang vegetable seeds sa mga tinamaang rehiyon.

Ayon pa sa kagawaran, magbibigay ng drugs at biologics para sa livestock at poultry needs.

Nakahanda din ang Survival and Recovery (SURE) Loan Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at mayroong pondo mula sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) para sa mga apektadong magsasaka.

TAGS: DA, InquirerNews, JolinaPH, RadyoInquirerNews, DA, InquirerNews, JolinaPH, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.