Bagyong #KikoPH, lalo pang lumakas habang kumikilos sa Philippine Sea
Lumakas pa lalo ang Typhoon Kiko habang kumikilos sa Philippine Sea.
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,020 kilometers Silangan ng Central Luzon dakong 4:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 215 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sa ngayon, wala pang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang parte ng bansa.
Sinabi ng PAGASA na maaring magsimulang makaranas ng malakas na buhos ng ulan sa Silangang bahagi ng Northern Luzon sa araw ng Biyernes, September 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.