BREAKING: Pilipinas, nakapagtala ng 20,151 na bagong COVID-19 recoveries

Manila PIO photo

Lagpas sa 12,000 ang panibagong napaulat na kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (September 8), pumalo na sa 2,134,005 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 151,135 o 7.1 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 12,751 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

91.6 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.7 porsyento ang asymptomatic; 2.54 porsyento ang moderate; 1.5 porsyento ang severe habang 0.7 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 174 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 34,672 o 1.62 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 20,151 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,948,198 o 91.3 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...