Duterte: “Kung ang lahat ko ay kulang pa, patawad po”

PCOO photo

“Kung ang lahat ko ay kulang pa, patawad po. ‘Yun lang talaga ang kaya ko.”

Ito ang pagpapakumbaba ni Pangulong Rodrigo Duterte at paghingi ng tawad sa publiko kung nagkulang ang pamahalaan sa pagtugon sa pandemya sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, tinupad niya ang kanyang sinumpaang tungkulin na pagsisilbihan ang taong bayan.

“Sabihin ko sa inyo, iyong oath of office ko, talagang tinupad ko. Kung sabihin ninyo ako ang nagkulang, eh sorry. Ginawa ko ang lahat ko Kung ang lahat ko ay kulang pa, patawad po. ‘Yun lang talaga ang kaya ko,” saad nito.

Binabatikos ang Pangulo dahil kulang umano ang pagtugon ng pamahalaan sa pandemya.

Read more...