Dagdag na rescue teams sa Caloocan City, naka-standby na bilang paghahanda sa #JolinaPH

By Angellic Jordan September 08, 2021 - 03:52 PM

Photo credit: Mayor Oca Malapitan/Facebook

Naka-standby na ang karagdagang rescue teams mula sa Public Safety and Traffic Management Department sa Caloocan City bilang paghahanda sa posibleng pananalasa ng Bagyong Jolina.

Ayon kay Mayor Oscar “Oca” Malapitan, isa sa mga tinututukan ng team ay ang posibleng pagtaas ng tubig sa Tullahan River na sakop ng Barangay 160 at 164.

Photo credit: Mayor Oca Malapitan/Facebook

Hinikayat naman ng pamahalaang lungsod ang mga residente na maging alerto, lalo na ang mga nakatira sa mababang lugar at agad lumikas kung kinakailangan.

Samantala, sinuspinde ang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan bandang 3:00, Miyerkules ng hapon.

Sinabi ng alkalde na hindi sakop ng suspensyon ng pasok ang mga tanggapan na may kinalaman sa serbisyong medikal, disaster preparedness, emergency response, at peace and order.

Sakaling mangailangan ng tulong, maaring tumawag sa 24/7 emergency hotlines ng CDRRMO na 53106972 o 09167976365.

TAGS: CaloocanLGU, InquirerNews, JolinaPH, OcaMalapitan, RadyoInquirerNews, CaloocanLGU, InquirerNews, JolinaPH, OcaMalapitan, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.