Higit 60 pamilya sa coastal community sa Noveleta, Cavite inilikas na rin

By Angellic Jordan September 08, 2021 - 03:32 PM

PCG photo

Tumulong na ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) Station Cavite sa paglikas ng 60 pamilya sa Noveleta, Cavite Miyerkules ng hapon, September 8.

Nakatira ang mga apektadong pamilya sa isang coastal community sa bahagi ng Barangay San Rafael IV.

Wala pa rin kasing tigil ang buhos ng ulan sa naturang lugar dahil sa Bagyong Jolina.

Inihatid ng mga apektadong pamilya sa San Miguel Extension Elementary School na nagsisilbing evacuation center para mabigyan ng karagdagang tulong.

Sa severe weather bulletin bandang 2:00 ng hapon, sinabi ng PAGASA na nasa bahagi na ng San Nicolas, Batangas ang bagyo at patungo na sa Cavite.

TAGS: CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, JolinaPH, MaritimeSectorWorks, RadyoInquirerNews, CoastGuardPH, DOTrPH, InquirerNews, JolinaPH, MaritimeSectorWorks, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.