Pangulong Duterte, nag-sorry sa pagkasawi ng 4 na Chinese sa anti-drug ops sa Zambales
Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte matapos mapatay sa buy-bust operation ang apat na Chinese sa Candelaria, Zambales.
Ayon sa Pangulo, hindi ginusto ng mga awtoridad na mapatay sa operasyon ang mga drug suspect.
Kabilang sa mga nasawi sina Gao Manzhu, 49-anyos, Hong Jianshe, 58-anyos, Eddie Tan, 60-anyos na pawang mga taga-Fujian, China; at Xu Youha, 50-anyos na taga-Quezon City.
“So I’m sorry, I’m sorry for the loss of lives. Hindi man natin ginusto ‘yan. But I just hope that the countries from where these guys come from should understand that we have laws to follow,” pahayag ng Pangulo.
Aabot sa 500 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 bilyon ang nasamsam ng mga awtoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.