Ilang pamilya sa Quezon City, inilikas dahil sa pagbaha

QC DRRMC photo

Nagpatupad na ang Quezon City Disaster Risk Reduction and Management Council (QC DRRMC) ng preemptive evacuation sa ilang pamilya sa ilang barangay sa lungsod.

Patuloy kasi ang pagtaas ng lebel ng tubig-baha dahil sa walang humpay na pag-ulan dulot ng Severe Tropical Storm Jolina.

Narito ang mga apektadong barangay:
Barangay Apolonio Samson – Apolonio Elementary School
Barangay Bagong Silangan – Bagong Silangan Covered Court
Barangay Roxas – Gen. Roxas Covered Court

Pinag-iingat ng QC DRRMC ang mga residente, lalo na ang mga nakatira sa landsline prone at mabababang lugar.

Sakaling magkaroon ng emergency, maaring tumawag sa mga sumusunod na numero:
– QC Helpline: 122
– QCDRRMO at 8927-5914; 8928-4396.
– Emergency Operations Center: 0961-239-5097 (Smart), 0916-630-6686 (Globe)
– Emergency Medical Services/Urban Search and Rescue : 892-843-96 (landline); 0947-884-7498 (Smart) 0927-061-5592 (Globe)

Read more...