Severe Tropical Storm #JolinaPH, nasa bahagi na ng Batangas
Nasa bahagi na ng Batangas ang Severe Tropical Storm Jolina at patungo na sa Cavite.
Base sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng bayan ng San Nicolas bandang 1:00 ng hapon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 160 kilometers per hour.
Kumikilos pa rin ang bagyo sa direksyong Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Sa ngayon, narito ang mga lugar na nakataas sa Tropical Cyclone Wind Signals:
Signal no. 2:
– Northern at central portions ng Oriental Mindoro (Bansud, Gloria, Pinamalayan, Pola, Socorro, Victoria, Puerto Galera, San Teodoro, Baco, City of Calapan, Naujan)
– Northern at central portions ng Occidental Mindoro (Abra de Ilog, Paluan, Mamburao, Santa Cruz, Sablayan) kasama ang Lubang Islands
– Central portion ng Quezon (Infanta, Real, Mauban, Sampaloc, Lucban, City of Tayabas, Lucena City, Sariaya, Candelaria, Dolores, Tiaong, San Antonio, Pagbilao)
– Batangas
– Cavite
– Laguna
– Rizal
– Metro Manila
– Southern portion ng Bulacan (Pandi, Bulacan, Marilao, Calumpit, Norzagaray, Plaridel, Santa Maria, Balagtas, Bocaue, Bustos, City of Malolos, Angat, Obando, City of San Jose del Monte, Pulilan, City of Meycauayan, Hagonoy, Paombong, Guiguinto, San Rafael, Baliuag)
– Pampanga
– Bataan
– Zambales
– Tarlac
Signal no. 1:
– Marinduque
– La Union
– Southern portion ng Benguet (Sablan, Tublay, Bokod, La Trinidad, Baguio City, Itogon, Tuba, Kapangan, Atok)
– Southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castaneda, Dupax del Norte, Dupax del Sur, Aritao, Santa Fe, Kayapa)
– Southern portion ng Aurora (Baler, Maria Aurora, San Luis, Dingalan)
– Pangasinan
– Nueva Ecija
– Nalalabing bahagi ng Bulacan
– Northern at southern portions ng Quezon (Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Gumaca, Atimonan, Plaridel, Pitogo, Macalelon, Quezon, Alabat, Perez, General Nakar) kasama ang Polillo Islands
– Nalalabing parte ng Oriental Mindoro
– Nalalabing parte ng Occidental Mindoro
Inalis na sa Signal no. 1 ang ilang lugar sa bansa.
Abiso ng PAGASA, mabigat na buhos ng ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Bataan, Marinduque, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Occidental Mindoro, at Oriental Mindoro sa susunod na 24 oras.
Katamtaman hanggang sa mabigat na pag-ulan naman ang iiral sa Aurora, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Camarines Sur, Camarines Norte, Romblon, Marinduque, northern portion ng Palawan kabilang ang Calamian and Cuyo Islands, Aklan, Antique, Capiz, Iloilo, Guimaras, at Negros Occidental.
Sa bahagi naman ng Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, at Cagayan Valley, mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan.
Patuloy na kikilos ang bagyo pa-Hilagang-Kanluran patungo sa Batangas-Cavite area.
Inaasahang magla-landfall pa ang bagyo sa bisinidad ng Bataan Peninsula sa Miyerkules ng gabi.
Habang binabagtas ang kalupaan ng Luzon, sinabi ng PAGASA na hihina ang bagyo at bababa sa tropical storm category.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.