Trabaho sa Manila City Hall, sinuspinde dahil sa #JolinaPH

By Chona Yu September 08, 2021 - 02:26 PM

Sinuspinde ni Manila Mayor Isko Moreno ang trabaho sa city hall sa araw ng Miyerkules, Setyembre 8.

Ito ay dahil sa patuloy na pananalasa ng bagyong Jolina.

Ayon kay Mayor Isko, simula 2:00 ng hapon, maari nang umuwi sa kani-kanilang tahanan ang mga empleyado.

Hindi naman kasama sa work suspension ang mga nagtatrabaho sa Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Development Social Welfare, Manila Health Department at ang mga tauhan sa anim na district hospital.

Pinapayuhan ni Mayor Isko ang publiko na mag-ingat.

TAGS: InquirerNews, IskoMoreno, JolinaPH, RadyoInquirerNews, WorkSuspension, InquirerNews, IskoMoreno, JolinaPH, RadyoInquirerNews, WorkSuspension

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.