Heavy rainfall warning nakataas sa ilang lalawigan dahil sa #JolinaPH

Credit: PAGASA FB

Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 1:30, Miyerkules ng hapon (September 8), ito ay dulot pa rin ng Severe Tropical Storm Jolina.

Sa Luzon, nakataas ang red warning sa Cavite at Batangas; orange warning sa Metro Manila, Laguna, Rizal, Bataan, Quezon (San Antonio, Tiaong, Candelaria, Dolores, Sariaya, Lucban, Tayabas, Pagbilao, Lucena); habang yellow warning level naman sa Quezon (General Nakar, Infanta, Real, Mauban, Panukulan, Patnanungan, Burdeos, Polilio, Jomalig, Sampaloc, Atimonan, PadreBurgos, Plaridel, Agdangan, Unisan, Gumaca, Pitogo, Perez, Lopez, Quezon, Alabat, Macalelon, GeneralLuna, Buenavista, Calauag, Catanauan, Tagkawayan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco, Guinayangan), Pampanga, Bulacan, Tarlac, Nueva Ecija, Zambales.

Sa abiso naman bandang 2:00 ng hapon, sinabi ng weather bureau na maliban sa bagyo, nakakaapekto rin ang Southwest Monsoon sa bahagi naman ng Visayas.

Nakataas ang red warning sa Occidental Mindoro, Palawan (Busuanga, Coron, Culion, Linapacan, El Nido, Taytay); orange warning sa Palawan (San Vicente, Roxas, Dumaran, Aracelli, Agutaya, Magsaysay, Cuyo), Antique, Aklan (Buruanga, Malay, Nabas, Ibajay, Tangalan, Malinao, Makato); habang yellow warning level naman sa Aklan (Numancia, Lezo, Banga, Kalibo, New Washington, Balete, Batan, Altavas, Libacao, Madalag), Capiz, Iloilo, Guimaras, Palawan (Puerto Princesa, Kalayaan Islands, Aborlan, Narra, Quezon, Sofronio Española, Balabac, Bataraza, Rizal, Brooke’s Point, Cagayancillo).

Sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...