PNP, umapela sa publiko ng pakikiisa at pang-unawa sa paglaban sa COVID-19

By Angellic Jordan September 08, 2021 - 02:00 PM

Photo credit: General Guillermo Eleazar/Facebook

Kasunod ng pagpapaliban ng pagpapatupad ng granular lockdown sa Metro Manila, ipagpapatuloy pa rin ng Philippine National Police (PNP) ang istriktong implementasyon ng health at safety protocols kasunod ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kasabay nito, umapela si PNP Chief Police General Guillermo Eleazar ng pakikiisa at pang-unawa sa publiko.

“Iba-iba man ang pangalan at iba-iba man ang mga alituntunin sa bawat klasipikasyon ng quarantine sa ating bansa, nanatiling tatlo ang mabisang formula upang labanan ang pagkalat ng nakakahawang coronavirus na ito— ang ibayong pag-iingat para sa ating mga sarili, ang pagmamahal sa ating pamilya at ang malasakit sa ating kapwa,” pahayag nito.

Mananatili sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang National Capital Region (NCR) hanggang September 15, 2021.

Hiniling nito ang kooperasyon ng publiko sa pagtalima sa minimum health standards at quarantine protocols.

Hinikayat din ng PNP Chief ang publiko na magpabakuna sa lalong madaling panahon.

“Sa gitna ng patuloy na pagdami ng kaso ng COVID sa ating bansa, ang ating pagkakaisa at malawak na pang-unawa ang kailangan upang maitawid natin ang seryosong hamon ng pandemya na kinakaharap natin ngayon. Mananatiling kaagapay ninyo ang inyong PNP sa pagharap sa hamong ito,” saad nito.

Sa ngayon, nasa humigit-kumulang 9,000 pulis ang nakatalaga sa 942 Quarantine Control Points (QCPs) sa bansa.

TAGS: granularlockdown, GuillermoEleazar, InquirerNews, MECQ, PNP, RadyoInquirerNews, granularlockdown, GuillermoEleazar, InquirerNews, MECQ, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.