Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,120 kilometers Silangan ng Central Luzon dakong 10:00 ng umaga.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 190 kilometers per hour.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong Kanluran Timog-Kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.
Sa ngayon, wala pang nakataas na Tropical Cyclone Wind Signal sa anumang parte ng bansa.
Inaasahang magsisimulang makaranas ng malakas na buhos ng ulan ang Silangang bahagi ng Northern Luzon sa araw ng Biyernes, September 10.
MOST READ
LATEST STORIES