Operasyon ng MICT, itinigil dahil sa Bagyong Jolina
Pansamantalang itinigil ang operasyon ng Manila International Container Terminal (MICT) sa araw ng Miyerkules, September 8.
Ayon sa Philippine Ports Authority (PPA), bunsod ito ng nararanasang sama ng panahon sa Metro Manila dahil sa Bagyong Jolina.
Nananatili namang aktibo ang 24-hour ACTS online payment facility ng MICT para sa pagproseso ng mga transaksyong may kaugnayan sa terminal.
Nag-anunsyo rin ang Manila South Harbor (MSH) na hinto muna ang vessel operations sa pantalan.
Mananatiling bukas ang gates nito para tumanggap ng laden export container drop-off at import container pickups.
Inaabisuhan ng pamunuan ng parehong pantalan ang publiko na hintayin ang susunod na abiso patungkol sa lagay ng operasyon sa MICT at sa MSH sa gitna ng pananasala ng bagyo.
Base sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 11:00 ng umaga, nakataas sa Signal no. 2 ang Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.