Mga kliyente, pinaiiwas muna sa BPI Julia Vargas Branch

BPI Advisory
BPI Advisory

Pinayuhan ng Bank Philippine Islands (BPI) ang kanilang mga kliyente na umiwas muna sa pagsasagawa ng transaksyon sa kanilang Julia Vargas branch sa Pasig City ngayong araw.

Sa inilabas na abiso ng BPI inaasahan nila ang pagdagsa ng maraming tao sa nasabing branch kaugnay sa paghaharap ni vice presidential candidate Senator Antonio Trillanes IV at kampo ni presidential candidate Mayor Rodrigo Duterte.

Pinayuhan din ng BPI ang mga apektadong kliyente na magtungo muna sa mga kalapit na branch ng bangko.

Kabilang dito ang mga sumusunod na branch ng BPI:

– BPI Pasig Ortigas branch sa ground floor ng Benpres Building along Exchange road
– BPI Ortigas Emerald branch along F. Ortigas Jr. road
– BPI Ortigas Sapphire branch along Sapphire road
– BPI Ortigas Tektite branch sa PSE Centre along Exchange road

Inaasahan na darating mamaya si Senator Trillanes, habang kakatawanin naman ni Atty. Salvador Panelo si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

 

 

Read more...