(UPDATE) Pang-walong landfall ng bagyong Jolina sa Batangas – PAGASA
Sa bayan ng San Juan sa Batangas ang pang-walong landfall ng bagyong Jolina.
Sa update ng PAGASA, alas-10 kanina ay namataan ang bagyo sa bisinidad ng Rosario, Batangas at kumikilos sa direksyon na hilaga-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.
Napanatili nito ang lakas ng hangin na 95 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 130 kilometro kada oras.
Malaking bahagi ng Timog at Gitnang Luzon, kasama na ang Metro Manila, ay nanatili sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2, samantalang Signal No. 1 naman sa ilang bahagi ng Ilocos, Cordillera at Mimaropa Regions.
Samantala, bahagya naman naka-ipon pa ng lakas ang bagyong Kiko habang ito ay nasa Philippine Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.