Mga PDEA agents, pulis na nakapatay ng 4 Chinese drug traffickers pinuri ni Pangulong Duterte
Sinabi ni Pangulong Duterte na malaking kawalan sa suplay ng droga sa mga lansangan ang pagkakakumpiska ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at mga pulis ng P3.9 bilyong halaga ng shabu sa Zambales at Bataan.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakapatay sa apat na Chinese citizens, na ayon kay Pangulong Duterte, ay konektado sa Sinaloa, isang Mexican drug cartel.
Isa pa sa mga napatay sa operasyon ay kinilalang si Youhua Xu, na isa sa pinakamalaking shabu importer sa bansa.
“Ito yung mga namatay na lumaban at yung may mga baril nila at iyon ho ang nangyari. Dalawang operation ito, isa sa Subic, may follow-up sa Bataan,” sabi ng pangulo.
Kasabay nito ang papuri niya sa mga operatiba na nakasama sa dalawang operasyon.
“To them, I give you my snappy salute and congratulations. Of course, I will recognize your effort officially,” sabi pa ng Punong Ehekutibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.