May 1,987 pamilya na may katumbas na 8,583 indibiduwal ang iniwan ang kanilang mga bahay at lumikas dahil sa pananalasa ng bagyong Jolina.
Sa datos na ibinigay ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang mga lumikas ay nasa 46 evacuation centers sa Bicol, Western Visayas at Eastern Visayas Regions.
May 534 pamilya naman ang nakituloy sa bahay ng mga kaanak o kaibigan.
Sinabi din ni NDRRMC spokesman Mark Timbal nakatanggap sila ng ulat na may 12 mangingisda ang nawawala sa Catbalogan City at kasalukuyang isinagawa ang searchand rescue operations.
Samantala, iniulat ng PAGASA na bahagyang humina ang bagyong Jolina bago ang pagtama nito sa kalupaan ng Batangas.
Kumikilos ito taglay ang hangin na 95 kilometro kada oras mula sa gitna at bugso na aabot hanggang 115 kilometro kada oras at ito ay kumikilos sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang Tropical cyclone wind signal No. 2, sa mga sumusunod na lugar;
- Metro Manila
- Marinduque
- northern and central portions of Oriental Mindoro
- northern and central portions of Occidental Mindoro including Lubang Islands
- central and southern portions of Quezon
- Batangas
- Cavite
- Laguna
- Rizal,
- Timog Bulacan
- Pampanga
- Bataan
- Zambales
- Tarlac
Samantala, Signal No. 1 naman sa;
- La Union
- Timog Benguet
- Timog Nueva Vizcaya
- Timog Aurora
- Pangasinan
- Nueva Ecija
- Natitirang bahagi ng Bulacan
- Natitirang bahagi Quezon kasama ang Polillo Islands
- Camarines Norte
- Hilagang Camarines Sur
- Hilagang Romblon
- Natitirang bahagi ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro