LOOK: Lugar na #WalangPasok sa September 8 dahil sa Bagyong Jolina
(UPDATED) Nag-anunsiyo ng suspensyon sa pasok ang ilang lokal na pamahalaan sa bansa para sa araw ng Miyerkules, September 8.
Bunsod ito ng patuloy na pag-iral ng Severe Tropical Storm Jolina.
Sakop ng suspensyon ang trabaho sa pamahalaan at klase sa pampubliko at pribadong paaralan sa lahat ng antas sa mga sumusunod na lugar:
– Quezon province
– Laguna
– Malolos, Bulacan
– Batangas
Sa severe weather bulletin bandang 8:00 ng gabi, napanatili ng bagyo ang lakas nito habang kumikilos sa Sibuyan Sea.
Sinabi ng PAGASA na maaring mag-landfall o dumaan ng sentro ng bagyo malapit sa Bondoc Peninsula-Marinduque area sa Miyerkules ng umaga.
I-refresh ang page na ito para sa pinakahuling update.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.