PSG, itinangging konektado sa hanay ang Chinese na nasawi sa anti-drug ops sa Quezon

By Chona Yu September 07, 2021 - 07:22 PM

PNP PIO photo

Pinabulaanan ng Presidential Security Group (PSG) na konektado sa kanila ang isang Chinese national na napatay sa isang drug operation sa Candelaria, Quezon.

Ayon kay PSG Commander Colonel Randolph Cabangbang, base sa intelligence verification ng kanilang hanay, hindi miyembro o konektado sa PSG ang drug suspek.

Nabatid na ang napatay na Chinese national ay nakasuot ng kulay asul na polo shirt at may logo ng PSG.

Hindi rin aniya uniporme ng PSG ang suot ng suspek bagkus ang ganitong mga uri aniya ng damit ay readily available at nabibili sa alinmang military supply shop.

Ayon pa kay Cabangbang, ang anumang merchandize o gamit na nagpapakita ng PSG seal ay madaling magaya.

Tiniyak ni Cabangbang sa publiko na mananatili sa pinakamataas na uri ng disiplina at ethical standards ang PSG at kaisa sila sa anti-drug war campaign ng pamahalaan.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, RandolphCabangbang PSG, InquirerNews, RadyoInquirerNews, RandolphCabangbang PSG

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.