Taumbayan dapat pumili ng kandidatong iginagalang ang turo ng Simbahan -CBCP
Mistulang muling pinatatamaan ng Cathlic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa kanilang panawagan sa taumbayan na pumili ng disenteng kandidato sa kanilang inilabas na bagong pastoral letter kahapon.
Sa pastoral letter ng CBCP, isinasaad na bagama’t malaki ang pagnanais ng sambayanan ng pagbabago, hindi dapat pumili ng kandidatong walang pakundangan sa karapatan ng ibang tao at hindi binibigyan ng pagpapahalaga ang mga pangaral ng Simbahang Katolika.
Kung pumapanig at nananalig anila ang isang Pilipino kay Hesukristo, hindi ito dapat pumili ng isang kandidato na gumagawa at nagsasabi ng mga labag sa mga pahayag ng Panginoon.
Malaki anila ang pagkakaiba ng tama at mali, kaya’t ito dapat ay isinasaalang-alang ng mga Katoliko sa pagpili ng kanilang nais na manalo sa susunod na halalan.
Matatandaang dati nang binatikos ni CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas si Duterte dahil sa pagmumura nito nang tumindi lalo ang trapiko sa Metro Manila nang bumisita si Pope Francis sa bansa noong nakaraang taon.
Binanggit pa ni Villegas na dapat ipnapatupad ng isang tunay na pinuno ang ‘leadership by example’ sa kanyang liderato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.