Imbestigasyon ng NBI sa ‘Comeleak’, ikinatuwa ng Palasyo
Pinuri ng Malacañang ang National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pagpupurisge ng ahensya na maimbestigahan ang tinaguriang ‘Comeleak’.
Masaya ang Palasyo sa mga ginawang hakbang ng NBI para imbestigahan ang pangha-hack sa website ng Commission on Elections (COMELEC) na nagbunsod pa ng pagkalat ng mga personal na impormasyon ng mga botante.
Nahuli na ang dalawa sa tatlong suspek sa pangha-hack na sina Paul Biteng at Jonel de Asis na pawang mga nasa likod ng pangha-hack ng COMELEC website noong March 22 at 27.
Si Biteng ay umamin na kasapi ng Anonymous Philippines na unang nang-hack sa COMELEC, habang si De Asis naman ay kasapi ng Lulzsec Philippines na nag-leak ng voters’ data sa isang website.
Parehong ikinatwiran ng dalawa na nais lang nilang subukan ang tatag ng seguridad ng COMELEC para sa kapakanan ng mga botante.
Ayon kay Presidential Communications Usec. Manuel Quezon III, ang mahalaga ay ngayon, nakikita nang talagang mabisa ang mga aksyon na ginagawa ng NBI.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.