DICT, dapat kalampagin ni Pangulong Duterte para magkaroon ng epektibong contact tracing system
Kinuwestyon ni AP Partylist Rep. Ronnie Ong ang lohika sa pagpapatupad ng granular lockdowns para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Katuwiran nito, kahit anong klase ng lockdown ay hindi magiging epektibo kung walang malawakan at epektibong testing at contact tracing system.
Sabi ni Ong, lalo lamang maghihirap ang maraming pamilya na hindi makakapagtrabaho dahil sa lockdown lalo’t hindi naman sila kayang sustentuhan ng gobyerno.
Para sa mga APOR na hindi papayagang makauwi sa kanilang mga bahay kapag lumabas sa lugar na naka-lockdown, tanong ng kongresista, saan patutulugin ang mga ito?
Sa halip na short-term at temporary solutions, iginiit ni Ong na bigyan ng Pangulo ng ultimatum ang Department of Information and Communications Technology (DICT) sa pagbuo ng reliable contact tracing system at vaccination database.
Ayon sa mambabatas, sa ibang mga bansa kaya madaling matukoy at ma-isolate ang mga taong nakasalamuha ng nagpositibo sa COVID-19 ay dahil gumagawa ang kanilang contact tracing app.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.