Sen. Recto sinabing dapat may task force para sa pagbili ng Tocilizumab, repurposed drugs
Hinikayat ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang Palasyo ng Malakanyang na bumuo ng task force para maresolba ang isyu ng kakulangan ng gamot na Tocilizumab at iba pang anti-pneumonia drugs na ginagamit na sa COVID 19 patients.
Dapat, ayon sa senador, magsama ng task force ng mga diplomat at taipans na makakatulong sa pagbili ng ‘repurposed drugs’ sa ibang bansa.
“Tap those who can help, from diplomats to businessmen with excellent global connections. They may have the personal contacts that bureaucrats do not have,” ang panghihimok ni Recto.
Batid naman ng senador na pahirapan ang suplay sa buong mundo ng Tocilizumab ngunit naniniwala siya na magagawan ito ng paraan ng mga tamang personalidad.
Sinabi pa ng senador na may P151.64 bilyong Uprogrammed Fund na maaring magamit sa pagbili ng mga kinakakailangang gamot na nakakatulong para maiwasan ang pagkamatay ng COVID-19 patient.
Diin din ni Recto, hindi dapat madamay ang ‘repurposed drugs’ sa kapalpakan sa pag-iimbak ng DOH ng mga gamot.
Nabanggit nito na simula noong 2016 hanggang noong nakaraang tao, may P9.5 bilyong halaga ng gamot ang nasayang lang sa mga bodega ng DOH.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.