Ex-Duterte adviser Michael Yang, ipapaaresto ng Senado

By Jan Escosio September 07, 2021 - 03:30 PM

Dahil sa magkasunod na hindi pagsipot sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, magpapalabas na ang Senado ng warrant of arrest para kay dating Presidential economic adviser Michael Yang.

Bunsod ito ng pagsang-ayon ni Sen. Richard Gordon, ang namumuno sa komite, sa mosyo na ma-cite in contempt si Yang, na dalawang ulit nang sinilbihan ng subpoena para humarap sa pagdinig.

Iniimbestigahan ng komite ang diumano’y overpriced medical supplies na binili ng DBM – Procurement Service sa pamumuno ni resigned Usec. Christopher Lao noong 2020.

Kabilang sa nakakuha ng kontrata ang Pharmally Pharmaceutical Corp. sa halagang P8.6 bilyon sa kabila ng pagkakaroon lamang ng P625,000 paid-up capital at ilang buwan pa lamang ang operasyon.

Nadawit naman si Yang sa kontrata dahil siya ang nagpakilala sa mga opisyal ng Pharmally kay Pangulong Duterte noong 2017 sa Davao City.

Bukod kay Yang, magpapalabas din ng warrants of arrest para kina Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Justine Garado, Linconn Ong, at Krizle Grace Mago.

Dumalo naman sa pagdinig sina Huang Tzu Yan, chairman at presidente ng Pharmally, gayundin ang kanilang accountant na si Iluminada Sebial.

TAGS: ChristopherLao, InquirerNews, MichaelYang, overpricedPPE, Pharmally, RadyoInquirerNews, RichardGordon, Senate, ChristopherLao, InquirerNews, MichaelYang, overpricedPPE, Pharmally, RadyoInquirerNews, RichardGordon, Senate

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.