Panukalang ‘Whistleblower Protection Act’, hiniling na sertipikahang ‘urgent’

By Chona Yu September 07, 2021 - 03:22 PM

Photo grab from PCOO Facebook video

Personal na hihilingin ni Presidential Spokesperson Harry Roque kay Pangulong Rodrigo Duterte na sertipikahan bilang isang urgent bill ang panukalang batas na Whistleblower Protection Act.

Pahayag ito ni Roque matapos hikayatin ng anti-corruption group na GraftMap ang administrasyong Duterte na ipasa ang isang batas na comprehensive whistleblower protection para mabunyag ang korupsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Roque, kailangang magkaroon ng Whistleblowers Act dahil maraming katiwalian ang nabubunyag dahil sa whistleblowers.

Inihalimbawa ni Roque ang fertilizer fund scam na kinasangkutan ng mga senador at negosyanteng si Janet Lim-Napoles, swine scam at iba pa na nabukin dahil sa pagsisiwalat ng mga whistleblowers.

Mahalaga aniya na mabigyang proteksyon ang mga whistleblower para maparusahan ang mga mandarambong sa gobyerno.

TAGS: HarryRoque, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, Whistleblower Protection Act, HarryRoque, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, Whistleblower Protection Act

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.