Pangulong Duterte, dadalo sa national convention ng PDP-Laban sa Pampanga

Photo credit: PDP-Laban

Dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa national convention ng kanyang partido na PDP-Laban sa Pampanga sa Miyerkules, Setyembre 8.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaring personal o virtual appearance ang gagawin ng Pangulo sa national assembly.

Sa pagkakaalam ni Roque, malilipat lamang ang venue.

Sa halip kasi na sa Bulacan, nailipat ang lugar na pagdarausan ng national assembly sa Pampanga.

Nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) pa kasi ang Bulacan kung kaya bawal ang malakihang pagtitipon.

Inaasahang ilalatag na ng PDP-Laban ang mga kandidato sa 2022 national elecctions.

Una nang inindorso ng PDP-Laban si Pangulong Duterte bilang kandidato sa pagka-bise presidente at tinanggap naman ng punong ehekutibo.

Hindi pa naman tinatanggap ni Senador Christopher “Bong” Go ang alok ng PDP-Laban na maging kandidato sa pagka-pangulo.

Read more...