Angelica Panganiban, dumepensa kontra sa ‘rape wish’ ng isang Duterte supporter

By Isa Avendaño-Umali May 02, 2016 - 04:23 AM

 

Mula sa bandera.inquirer.net

‘Nakakaloka naman ito!’

Yan ang reaksyon ng TV/Movie Actress na si Angelica Panganiban kaugnay sa ‘wish’ ng isang supporter ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na magahasa raw ang anak ng komedyanteng si Melai Cantiveros.

Sa comment ni Panganiban sa post ni Cantiveros, sinabi pa nito na ‘Pabaliw na mga tao. Personalan na. May kanya-kanya po tayong opinyon at gustong kandidato. Hindi tama na hilingin mong may mangyaring masama sa kapwa mo tao dahil hindi kayo parehas na president.’

Dagdag ng award-winning actress, ‘Gusto ng bawat kandidato na matigil ang krimen. Bakit mo hihilingin yun lalo na sa batang walang kamuwang muwang.’

Si Panganiban ay bokal sa pagsuporta kay Duterte, habang si Cantiveros at asawa nitong si Jason Francisco ay supporters ni Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas.

Pero bagama’t magkaiba ang gustong Presidential candidate, sina Panganiban at Cantiveros ang matalik na magkaibigan, at magkumare pa.

Nauna nang inalmahan ni Cantiveros ang Duterte supporter na si Shawie Enriquez matapos sabihin nito na sana raw ang ma-rape ang anak ng Kapamilya star na si Amelia Lucille.

Nagbanta na rin si Cantiveros na magsasampa ng kaso laban kay Enriquez.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.