Heavy rainfall warning nakataas sa bahagi ng Bicol, Visayas

PHOTO CREDIT: DOST-PAGASA/FACEBOOK

Nakataas ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa Bicol region at Visayas.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Martes ng hapon (July 28), ito ay dulot pa rin ng Bagyong Jolina.

Nakataas ang orange warning sa Sorsogon at Masbate kasama ang Ticao at Burias Island habang yellow warning level naman sa Northern Samar, Albay, at Marinduque.

Sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Samantala, mararanasan naman ang mahina hanggang katamtamang pag-ulan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Romblon at Oriental Mindoro sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...