60 residente sa Ormoc, Leyte inilikas dahil sa Bagyong #JolinaPH

PCG photo

Inilikas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) District Eastern Visayas ang 60 residente sa Ormoc City, Leyte Martes ng madaling-araw (September 7).

Naging mabilis kasi ang pagtaas ng tubig-baha sa bahagi ng Sitio Owak sa Barangay San Isidro.

Kabilang ang 28 kabataan sa mga inilikas ng PCG.

Dinala ang mga apektadong residente sa San Isidro Elementary School.

Sa huling abiso ng PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa Dimasalang, Masbate at tinatahak na ang mainland Masbate.

Read more...