PNP, nakaalerto dahil sa Bagyong #JolinaPH

By Angellic Jordan September 07, 2021 - 01:44 PM

PHOTO; PNP FB

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar sa police commanders sa Bicol, Eastern Visayas at iba pang lugar na maging alerto at umasiste sa mga local government units (LGU) sa posibleng epekto ng Bagyong Jolina.

“Sa gitna ng panibagong banta ng bagyo, inatasan ko na ang ating kapulisan sa mga apektadong lugar ng tropical storm Jolina na makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs sa paghahanda at pagresponde sa anumang epekto nito sa ating mga kababayan,” ani Eleazar.

Maliban dito, nagbaba rin ng direktiba ang PNP Chief sa Police Regional Offices na ihanda ang mga asset at tauhan para sa pagsasagawa ng evacuation, search and rescue at iba pang pagresponde na may kinalaman sa sama ng panahon.

Paalala nito sa mga pulis, makipag-ugnayan sa mga LGU ukol sa ikakasang hakbang na makapagliligtas sa mga residente.

“Nakikiusap din tayo sa ating mga kababayan na sumunod sa mga aksyon ng kanilang lokal na pamahalaan, lalo na sa preemptive evacuation, upang hindi na malagay sa alanganin ang kanilang buhay at ang kanilang pamilya,” dagdag ng hepe ng pambansang pulisya.

Base sa huling abiso ng PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa Dimasalang, Masbate at tinatahak na ang mainland Masbate.

TAGS: GuillermoEleazar, InquirerNews, JolinaPH, Pagasa, PNP, RadyoInquirerNews, GuillermoEleazar, InquirerNews, JolinaPH, Pagasa, PNP, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.