Inaprubahan na ng pamahalaan ng Chile ang paggamit ng Sinovac vaccines sa mga batang nag-eedad anim na taong gulang na pataas.
Ito ay para mabigyang proteksyon ang mga bata laban sa COVID-19.
Una rito, inaprubahan na rin ng Chile ang paggamit ng Pfizer vaccine para sa mgma bat ana nag-eedad dose anyos pataas.
Nabatid na simula noong Mayo, 654,053 na mga bata na ang naturukan ng Pfizer.
Ayon kay Health Minister Enrique Paris ng Chile, magandang balita ito para masiguro ang kaligtasan ng mga bata.
Sa pinakahuling talaan ng Chile, 435 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa kanilang bansa.
Sa kabuuan, nasa 1.6 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Chile habang nasa 37,000 naman ang nasawi.
MOST READ
LATEST STORIES