Higit 220,000 nasita sa Metro Manila dahil sa paglabag sa MECQ quarantine protocols – PNP

By Jan Escosio September 07, 2021 - 09:08 AM

 

Inanunsiyo ng Philippine National Police (PNP) na higit 220,000 ang nasita dahil sa ibat-ibang paglabag sa minimum health protocols simula nang pairalin ang modified enhanced community quarantine (MECQ) noong Agosto 21 hanggang kahapon, Setyembre 6.

Sa datos na inilabas ng PNP at base sa kabuuang bilang, 149,110 ang nabigyan ng warning, pinagmulta at inaresto mula sa nabanggit na panahon sa Metro Manila.

Ito ay pagpapakita na 8,718 kada araw ang nasisita na mga lumalabag sa minimum health protocols.

Pinakamaraming nasita sa paglabag sa curvew sa bilang na 53,383 o 3,493 kada araw.

Sa mga nasita naman sa non-essential travels, 759 kada araw ang nasita para sa kabuuang bilang 12,906.

Sa mga lalawigan ng Cavite, Bulacan, Laguna at Rizal, kabuuang 572,023 ang nasita at 134,407 sa curfew violation.

TAGS: ECQ, Metro Manila, PNP, violators, ECQ, Metro Manila, PNP, violators

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.