Walang ibang nakikitang reason ang Palasyo ng Malakanyang sa mga puna at batikos ni Vice President Leni Robredo sa COVID response ng pamahalaan kundi ang pamumulitika lamang. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi dapat na kalimutan ng publiko na ilang buwan na lamang at eleksyon na. Hindi rin maikakaila na pumuporma na si Robredo na tumakbong pangulo ng bansa. Banat kasi ni Robredo, walang kumukumpas, walang konduktor at walang volunteer para bigyan direksyon ang pagtugon sa pandemya. Ayon kay Roque, hindi na papatulan ng Palasyo si Robredo. “Sabihin na lang natin ang mga sinasabi ni VP Leni, you need to consider in connection with her ongoing advertisement. Pulitika lang po talaga. So to complement her paid advertisement for whatever position she will run, kasama na po diyan iyong mga sinasabi niya sa gobyerno,” pahayag ni Roque. Mismong ang World Health Organization na aniya na binubuo ng mga eksperto ang nagsabi na maayos at kuntento ang kanilang hanay sa pagtugon ng pamahalaan sa pandemya. Sinabi pa ni Roque na may inilabas na rin na mga advertisement at jingle si Robredo kung kaya kinakailangan niya itong sabayan ng mga batikos para maging swabe kung ano mang posisyon ang kanyang tatakbuhan sa susunod na eleksyon. Katunayan Ayon kay Roque, napapasayaw pa siya sa jingle ni Robredo. “Pero hindi, kailangang ulitin para maintindihan nila. In context, what she says is with the jingle, in fairness, maganda naman iyong jingle niya, medyo napapasayaw pa nga ako nang kaunti. Pero huwag po ninyong kakalimutan, pulitika na po ngayon. So habang naririnig ninyo ang mga pula ni VP Leni, sayawan na lang ninyo iyong kanyang jingle,” pahayag ni Roque.
MOST READ
LATEST STORIES