Lalo pang lumakas ang Bagyong Jolina at umabot na sa severe tropical storm category bandang 5:00, Lunes ng hapon (September 6).
Sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 8:00 ng gabi, huling namataan ang episentro ng bagyo sa layong 30 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Guiuan, Eastern Samar bandang 7:00 ng gabi.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 95 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 115 kilometers per hour.
Bahagya namang bumagal ang bagyo na kumikilos sa direksyong Kanluran Hilagang-Kanluran sa bilis na 15 kilometers per hour.
Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa:
Signal no. 2:
– Eastern Samar
– Eastern portion ng Northern Samar (Pambujan, Las Navas, Catubig, Laoang, Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig, San Roque, Mondragon, Silvino Lobos, Catarman, Lope de Vega)
– Northeastern portion ng Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Paranas, Hinabangan, Motiong)
Signal no. 2:
– Sorsogon
– Albay
– Ticao Island
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Southeastern portion ng Camarines Norte (San Vicente, Talisay, Daet, San Lorenzo Ruiz, Basud, Mercedes)
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Nalalabing bahagi ng Samar
– Nalalabing bahagi ng Northern Samar
– Dinagat Islands
– Siargao Islands
– Bucas Grande Islands
Sinabi ng weather bureau na iiral pa rin ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Northern Samar, Eastern Samar, Samar, at Sorsogon sa susunod na 24 oras.
Kapareho ng nabanggit na lagay ng panahon ang mararamdaman sa parte ng Visayas at Bicol Region.
Patuloy na kikilos ang bagyo sa Kanluran Hilagang-Kanluran o Hilagang-Kanluran sa susunod na 12 oras.
Base pa sa forecast track, maaring mag-landfall ang bagyo sa Eastern Samar – Northern Samar area Lunes ng gabi, September 6, o Martes ng madaling-araw, September 7 at saka magkakaroon ng second landfall sa Catanduanes sa Martes ng hapon.