Panukala para sa pagpapaliban ng BARMM elections lumusot sa Senado

By Jan Escosio September 06, 2021 - 08:58 PM

Sa botong 15-3-1, inaprubahan na sa third and final reading ang panukalang ipagpaliban ang dapat na unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa pag-isponsor ni Sen. Francis Tolentino sa Senate Bill 2214, sa Mayo 2025 na ikakasa ang eleksyon sa BARMM kasabay na ng national elections sa halip na isabay sa 2022 national and local elections.

Inamyendahan nito ang Sect. 13 Article XVI ng RA 11054 o ang Bangsamoro Organic Law.

Ikinatuwiran ni Tolentino na sa kabila ng mga pagsusumikap at nagampanan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA), nagsilbing malaking hamon ang pandemya para sa pagkasa ng mga programa at proyekto sa BARMM.

Diin niya kinakailangan na mapalawig ang transition period para masunod ang lahat ng nakasaad sa Comprehensive Agreement on the Bangsamoro.

Kabilang naman sa co-authors ng panukala sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Richard Gordon, Aquilino Pimentel III, at Risa Hontiveros.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.