COVID wards at critical care units ng St. Luke’s Medical Center sa BGC, QC nasa full capacity na

By Angellic Jordan September 06, 2021 - 07:26 PM

Umabot muli sa full capacity ang COVID wards at critical care units ng St. Luke’s Medical Center (SLMC) sa Bonifacio Global City, Taguig at Quezon City.

Base ito sa sitwasyon ng ospital hanggang Lunes, September 6.

Sinabi rin ng pamunuan ng ospital na mayroon pang mga pasyente na naghihintay sa pila para ma-admit sa Emergency Rooms.

Umapela ang SLMC sa mga pasyete na nakararanas ng sintomas ng COVID-19 at kailangan ng agarang medical treatment na ikonsidera ang iba pang healthcare institutions upang ma-accommodate.

“Be assured that we will keep the phblic updated on any development concerning our ER capacity,” saad ng ospital.

Kasabay ng patuloy na pagtaas ng kaso ng nakamamatay na sakit sa bansa, hinikayat ng SLMC ang publiko na sumunod sa minimum health standards.

Sa ganitong paraan, makakatulong anila ang publiko upang mapababa ang kaso ng COVID-19.

TAGS: COVID, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SLMC, StLukes, COVID, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SLMC, StLukes

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.