#JolinaPH, lumakas at isa nang tropical storm
Lumakas pa at isa nang Tropical Storm ang Bagyong Jolina habang patungo sa Kanluran Hilagang-Kanluran ng Philippine Sea sa Silangang bahagi ng Eastern Samar.
Base sa severe weather bulletin ng PAGASA bandang 5:00 ng hapon, umabot sa Tropical Storm category ang bagyo dakong 2:00 ng hapon.
Huling namataan ang episentro ng bagyo sa layong 95 kilometers Silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Taglay na nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 90 kilometers per hour.
May bilis na 20 kilometers per hour ang bagyo.
Bunsod nito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signals sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 2:
– Eastern Samar
– Eastern portion ng Northern Samar (Palapag, Mapanas, Gamay, Lapinig, Laoang, Catubig, Las Navas, Pambujan)
– Northeastern portion ng Samar (Matuguinao)
Signal no. 1:
– Eastern portion ng Camarines Sur (Calabanga, Bombon, Magarao, Canaman, Camaligan, Gainza, Naga City, Milaor, Pili, Minalabac, Bula, Balatan, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Baao, Ocampo, Sagñay, Tigaon, Goa, Tinambac, Siruma, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan, San Fernando)
– Catanduanes
– Albay
– Sorsogon
– Biliran
– Eastern portion ng Leyte (Babatngon, San Miguel, Barugo, Alangalang, Tacloban City, Palo, Santa Fe, Pastrana, Dagami, Tanauan, Tabontabon, Tolosa, Dulag, Julita, Mayorga, Macarthur, Abuyog, Javier, La Paz, Burauen, Calubian, Leyte, Capoocan, Carigara, Jaro, Kananga, Ormoc City)
– Eastern portion ng Southern Leyte (Silago, Hinunangan, Hinundayan, Anahawan)
– Nalalabing parte ng Samar
– Nalalabing parte ng Northern Samar
– Dinagat Islands
– Siargao Islands
– Bucas Grande Islands
Sa susunod na 24 oras, inaasahang magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan sa Northern Samar, Eastern Samar, at Sorsogon.
Kaparehong lagay ng panahon ang iiral sa Bicol Region at nalalabing parte ng Visayas.
Base sa forecast track, patuloy na kikilos ang bagyo sa northwestward parallel hanggang sa east coast ng bansa hanggang sa mag-landfall sa Northern-Central Luzon area sa Huwebes ng umaga, September 9.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.