130 pang overseas Filipino, nagpositibo sa COVID-19

May 130 pang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang September 6, nasa 23,036 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 103 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 8,445 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

287 naman ang bagong gumaling kung kaya 13,215 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Pito naman ang bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 1,376 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 12,973 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 3,651 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 1,036 naman ang kaso sa Americas at 5,376 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...