Niyanig ng magnitude 6.5 na lindol ang Solomon Islands.
Naitala ang pagyanig sa 154 kilometers southwest ng Dadali at 170 kilometers west ng Honaira.
Naunang itinala ng US Geological Syrvey o USGS sa magnitude 7 ang lindol, pero ibinaba sa magnitude 6.5 kalaunan.
Ayon naman sa Pacific Tsunami Warning Centre, walang banta ng tsunami matapos ang pagyanig.
Dito sa Pilipinas ay pinawi rin ng Phivolcs ang pangamba na magkaroon ng tsunami dahil sa nasabing lindol./ Dona Dominguez-Cargullo
READ NEXT
WACKYLEAKS ni Den Macaranas
MOST READ
LATEST STORIES