Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (September 6), pumalo na sa 2,103,331 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabi kasing bilang, 159,633 o 7.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 22,415 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
92.1 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 3.3 porsyento ang asymptomatic; 2.48 porsyento ang moderate; 1.4 porsyento ang severe habang 0.6 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 103 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 34,337 o 1.63 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 20,109 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 1,909,361 o 90.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.