Dayuhan, patay habang nagda-dive sa Tubbataha
Nasawi ang isang banyagang taga-Poland habang nagda-diving sa Tubbataha Reef National Park.
Kinilala ang biktima na si Zbigniew Szewczky, 65 years old.
Ayon sa impormasyon, nagtungo ang biktima sa Tubbataha Reef noong Sabado (April 30).
Pero makalipas ang labinlimang minuto sa ilalim ng tubig, inatake na sa puso si Szewczky.
Agad na ni-rescue ang biktima at isinailalim siya sa cardiopulmonary resuscitation o CPR, subalit hindi na siya na-revive.
Ang bangkay ng biktima ay kasalukuyang nasa isang funeral home sa Puerto Princesa.
Ipinaalam na rin sa Polish Embassy ang insidente.
Ang Tubbataha Reefs Natural Park ay matatandaan na hinirang bilang ASEAN Centre for Biodiversity noong 2015.
Isa itong marine protected area, pero dinadayo ng mga local at foreign divers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.