QC LGU, naglunsad ng bagong livelihood program para sa mga residenteng walang trabaho

By Angellic Jordan September 06, 2021 - 03:30 PM

Kasabay ng pagpapatuloy ng pandemya, naglunsad ang Quezon City Government ng panibagong livelihood program para sa mga residenteng walang trabaho.

Inilunsad ang “Pangkabuhayang QC”, isang livelihood training at financial assistance program para sa mga residente ng lungsod na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Magkatuwang sa programa ang Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO), kasama ang Office of the City Mayor, Office of the City Administrator, Sustainable Development Affairs Unit, Social Services Development Department at QC Public Employment Service Office.

“Unfortunately, aside from the presence of the COVID-19 virus, unemployment is also one of our concerns for the people of Quezon City. Through this new Pangkabuhayang QC program, we can help our residents provide for their families and slowly improve their circumstances,” pahayag ni Mayor Joy Belmonte.

Sa kasagsagan ng paglulunsad, pinalawig ang tulong pinansiyal sa 200 benepisyaryo kasama ang hog raisers, mananahi, vendors, farmers, magulang ng batang may kapansanan, at iba pa na dumaan sa screening process para sa kwalipikasyon.

Sinabi ni Mona Celine Yap, pinuno ng SBCDPO, ang naturang programa ang simula ng pag-recover mula sa pagbagsak ng ekonomiya.

“Last year, we helped businesses provide for their employees through our Kalingang QC para sa Negosyo program,” ani Yap at dagdag pa nito, “This time, we will be directly helping our community members who continue to struggle during this pandemic. Pangkabuhayang QC will now give them a chance to open or pursue livelihoods for a more sustainable family income.”

Bahagi pa rin aniya ito ng COVID-19 ng lokal na pamahalaan.

“As we help open more micro and small businesses, economic activity will continue to prosper thereby bringing income across all sectors,” saad ni Yap.

Para sa mga interesadong indibiduwal, makipag-ugnayan lamang sa SBCDPO sa pamamagitan ng kanilang official Facebook Page (QCSBCDPO) o tumawag sa 8988-4242 loc. 8734 o magpadala ng email a [email protected].

TAGS: InquirerNews, JoyBelmonte, Pangkabuhayang QC, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JoyBelmonte, Pangkabuhayang QC, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.