Sinimulan na ang pagtatayo ng ika-anim na housing project sa Lungsod ng Maynila.
Pinangunahan ni Mayor Isko Moreno ang groundbreaking ceremony ng 20-storey San Sebastian Residences sa Quiapo, araw ng Lunes (September 6).
Kasama ng alklade sa seremonya si Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan at iba pang opisyal ng gobyerno.
“Bilisan natin ang kilos, iisang bangka tayo. Sama-sama tayong maglalayag sa alon, unos, sa gitna ng karagatan, ngunit hindi tayo titigil,” pahayag ni Moreno.
Dagdag nito, “Lalakbayain natin at kakaharapin natin ang lahat ng hamon na ito, hamon ng ating buhay at sigurado ako ang committment namin kayo kasama niyo kami sa barkong iyan. Hindi namin kayo iiwan.”
MOST READ
LATEST STORIES