Inabisuhan ng Bank of the Philippine Islands o BPI ang mga kliyente nito na iwasan munang gumawa ng transakyon sa Julia Vargas branch bukas, May 02.
Ito’y bunsod na rin ng mga ‘planned meeting’ ng mga political party sa naturang BPI branch.
Sa advisory, sinabi ng BPI na inaasahan din ang pagdagsa ng media at supporters ng mga personalidad.
Kaya para sa convenience at upang maiwasan ang crowd o aberya, payo ng BPI sa kanilang mga kliyente na magtungo sa iba pang malapit ng branches gaya sa:
– BPI Pasig Ortigas branch, sa ground floor ng Benpres Building, Exchange Road
– BPI Ortigas Emerald branch sa F. Ortigas Jr. Road
– BPI Ortigas Sapphire branch sa Sapphire Road
– BPI Ortigas Tektite branch sa PSE Centre, Exchange Road
Naging laman ng mga balita ang BPI Julia Vargas branch dahil dito mayroong bank accounts ang Presidential candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Sa alegasyon ni Senador Antonio Trillanes IV, mayroong 211 million pesos sa account ni Duterte, habang ayon kay Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas, mayroon din dollar account ang Alkalde.