Sen. Hontiveros sa PAGCOR: Singilin ang POGOs sa P1.36B utang

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na agad singilin ang P1.36 bilyong pagkakautang ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).

Sinabi ni Hontiveros base sa audit report ng Commission on Audit (COA) ang halaga ang kabuuang utang ng 15 POGOs sa bansa.

“Bakit hinayaang umabot sa ganitong kalaki ang utang ng POGO? PAGCOR needs to throw its weight and go after them. Bilyon na pala ang utang, ang dami pang krimen na pinasok sa Pilipinas. POGOs, magbayad na at umalis na kayong lahat sa Pilipinas,” punto ng senadora.

Sa impormasyon mula sa Legal Department ng PAGCOR, sa 15 POGOs, may tatlo na may operasyon hanggang noong Enero 12, walo ang kanselado na ang lisensiya, may tatlo na ‘under review,’ at may isa na nasupindi.

“Kapag nagbayad na, dapat huwag na bigyan pa ng lisensya. Kung ang mga Pilipino nga na hindi makapagbayad ng upa, sinisingil kaagad. Samantalang ang POGOs, sobra-sobrang palugit ang ibinibigay? When POGOs first entered the country, we were promised investment and economic activity, but what we got was a myriad of crimes,” sabi pa nito.

Binanggit pa nito na sa kabila ng pandemya nagpapatuloy ang mga krimen na kinasasangkutang ng Chinese POGO workers.

Read more...