Karagdagang 200 CCTV camera, ikakalat ng MMDA

By Ricky Brozas May 01, 2016 - 06:11 PM

 

Inquirer Photo/Kristine Mangunay
Inquirer Photo/Kristine Mangunay

Maglalagay ng karagdagang 200 pang mga traffic cameras ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kalakhang Maynila para sa kanilang no-physical contact apprehension scheme.

Idedeliver ang mga bagong  traffic cameras ayon kay  MMDA chairman Emerson Carlos sa dalawang batch ngayong buwan ng Mayo.

Dahil dito ay aabot na sa kabuuang 450 ang mga traffic cameras na gagamitin ng MMDA para sa no contact apprehension scheme na unang ipinatupad nuong nakalipas na Abril A-kinse.

Nilinaw din ni Carlos na bibigyan ng 15 araw ang mga nakatanggap ng apprehension tickets para magtungo ng personal sa tanggapan ng MMDA sa  EDSA corner Orense St., Guadalupe Nuevo, Makati City.

Ang mga may-ari naman ng sasakyan o driver na aapela sa kanilang kasalanan sa paglabag sa batas trapiko ay pakikitaan ng footage o kuha ng video ng kanilang violation.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.