Higit 20,000 bagong COVID 19 cases naitala sa tatlong sunod na araw

Simula noong Biyernes hanggang ngayon araw ng Linggo, higit sa 20,000 kaso ng COVID 19 ang nadagdag sa bansa.

Sa 4pm bulletin ng Department of Healthm, 20,019 ang naitalang bagong kaso para lumubo sa kabuuang 2,080,984 ang bilang.

Sa ngayon may 157,438 ang active cases o 7.6 porsiyento ng kabuuang bilang, samantalang may karagdagang 20,089 na gumaling sa nakakamatay na sakit.

Kasabay naman nito, nadagdagan ng 173 ang nasawi para umabot na sa 34,234 ang namatay sa COVID 19 sa bansa simula noong nakaraang taon.

Ayon sa DOH may limang laboratory ang hindi nakapagsumite ng datos.

“Based on data in the last 14 days, the five non-reporting labs contribute, on average 0.9% of samples tested and 1.2% of positive individuals,” ayon sa DOH.

May 119 duplicates na ang tinanggal sa kabuuang bilang ng COVID 19 at 95 sa mga ito ang gumaling, samantalang isa ang namatay.

Read more...